STEP 9 – WAITING GAME AND AU PAIR CONTRACT AUTHENTICATION
With regards sa pagbalik ng visa from Bangkok, you don’t have to worry. Usually, 2-3 days lang, approved na yan and ready to be shipped back sa atin dito sa Pinas.
Pag natanggap na ni Bangkok yung DHL Waybill niyo and
receipt via email along with your schedule of pickup, mag-aantay na lang kayo
ng 2-5 days bago niyo mahawakan yan.
So, ang sunod na step ay yung CONTRACT AUTHENTICATION or pagpapa-RED
RIBBON na tinatawag. Same lang po yang processes na yan, magkakaiba lang ng
tawag (and itsura ng document).
Ano nga ba ang tamang timeline para magpa-contract
authentication? Although sure na sure naman daw sa Sweden (at least for
Pinoys), may chance pa rin na ma-deny ka. Kaya ang recommended na pagpapa-authenticate
ng contract ay AFTER APPROVAL OF YOUR VISA.
REQUIREMENTS FOR ATTESTATION OF SWEDISH AU PAIR CONTRACTS
You can directly access the complete guidelines via this
LINK
Si HOST po ang maglalakad nito, okay? Ito yung need nilang i-prepare
sa baba. Maigi rin na i-send niyo mismo yung link ng Drive ng Philippine
Embassy in Sweden: https://drive.google.com/file/d/1rLozVPU-NyvHhEDH-kT44vkSA8Wne8fj/view
Step 1. Send advance copies of requirements via email to phinsweden@gmail.com for evaluation
*(tell host to include their phone number on the email)*
1. Original contract (IN ENGLISH)
- with provision na sagot nila ang pamasahe mo pa-Sweden and dapat HINDI nila pabayaran sayo yun
- detailed task descriptions, ulitin po natin, DETAILED description ng light housework ninyo and childcare tasks
- repatriation clause (sila ang magsho-shoulder ng cost if na-injured ka, nagkasakit and na-deds)
2. Two (2) photocopies of Passport’s Information
Sheet (yung may picture and name niyo) ng:
- au pair
- host mom
- host dad
Step 2. Approval of documents submitted by the Philippine Embassy in Sweden
Step 3. Payment of Fees (SEK 275)
Step 4. Interview
Step 5. Sending of Original Documents to the Embassy of the
Philippines in Stockholm
Address:
Embassy of the Philippines in Stockholm
Grenstigen 2A
181 31 Lidingo
Stockholm, Sweden
- If by post (SELF-ADDRESSED, SELF-STAMPED ENVELOPE FROM POSTNORD) – medyo matagal makukuha ni host yung authenticated contract niyo, 1 week siguro
- If EXPEDITED, SAME DAY PROCESSING (pero dapat mapunta dun si host), may bayad na SEK 110
Once matanggap na ni host yung authenticated contract ninyo,
need nya ipadala yan sa inyo.
May dalawa kayong options:
1. PostNord – 20 days (Manila) or more (other Provinces)
2. DHL – best kung nagmamadali yet pricey of course.
Na kay host na ninyo yan.
After niyo matanggap ang authenticated contract niyo, dun na
kayo sa LAST STEP. π
No comments:
Post a Comment