Monday, November 8, 2021

[Au Pair in Sweden] Step 4 PROCESSING YOUR D-VISA (1st Step)

 

STEP 4 PROCESSING YOUR D-VISA (1st Step)

Once na approved na ang work permit mo and tapos ka na mag-celebrate, ipa-process mo naman yung visa na ilalagay sa passport mo. Ito yung titignan ng mga immigration officer/s syempre pagdating mo sa Sweden.

Hindi ko rin alam kung ano yung embassy ng Sweden dito sa Pilipinas pero parang satellite lang ata yun. Yung main ay nasa Thailand ata kaya siguro sila nagpa-process ng mga visas. Feeling ko lang naman pero before, yung mga naga-au pair sa Sweden, talagang naga-appear sa Bangkok for their visas.

So ito na nga, una mong gagawin ay mag-email sa Bangkok para masabi sayo yung next steps. Pandemic kasi so yung processing ay hybrid; meron kang online interface lang and meron pupuntahan mo talaga (yun yung step 5; ID Check sa satellite dito sa Pilipinas ng Swedish Embassy).

 

Ito yung body ng email na sinend ko sa Bangkok Swedish Embassy nun para may guide na rin kayo:

 

Good day!

 I just received an email from the Swedish Migration Agency that myapplication as an Au Pair in Sweden is already granted, herein attached as well.

Here are my information:

Name:

Dossier Number: (ito yung nakalagay dun sa email ng MV once granted na sa inyo Work Permit niyo; 8 numbers)

Migrationsverket Processing Officer: (nilagay ko lang para legit na legit)

Date of Granting:

 

I would just like to know what is the next step with regards to Visa Processing.

 

Regards,

Name

 

Ii-email niyo to sa: migration.bangkok@gov.se

Kung bukas pa yung opisina nila nung nag-email kayo, matatanggap niyo agad yung instructions on what to do next. Tapos, guys, parang awa niyo na, MAGBASA PO NG MAIGI AND MAKE SURE NA I-FOLLOW NIYO NA LANG LAHAT NG STEPS NA NANDITO. Lahat naman po magagawa natin kung iintindihin natin yung process. Normal na magtanong pero wag naman sana lahat.


May lima lang naman kayong requirements na ipi-prepare:

1. D-Visa Application Form (yung naka-link sa number 1; click niyo lang yung blue and mada-download niyo na yung file)

2. Passport size photo with white background (i-request mo na pang-Schengen, alam na yan ng shop)

3. ORIGINAL Passport mo (tanggalin mo cover kung nilagyan mo; 'ika nga, hubad na passport)

4. Signed Declaration form (sinasabi mo lang naman na walang pananagutan ang embassy sa pagpapadala and pagbalik ng Passport mo mula at papuntang Pilipinas; naka-attached to sa email ng Bangkok - naka-attached to dun sa email na ipapadala sa inyo ng Bangkok)

5. Passport info Page (ito yung patatatakan sa Embassy ng Sweden na nasa Pilipinas; maghanda ng DALAWANG COPIES)

 

 BACK TO MAIN PAGE (ALL STEPS) 

 

No comments:

Post a Comment