Thursday, November 11, 2021

[Au Pair in Sweden] Step 7 SENDING OFF YOUR VISA TO THE SWEDISH EMBASSY IN BANGKOK

 

STEP 7 SENDING OFF YOUR VISA TO THE SWEDISH EMBASSY IN BANGKOK

After mo magpa-ID Check, ayun, papadala mo na sya sa DHL. Sabi nung instruction na napasa sa akin, meron daw sa Market! Market! Pero di ko sya mahanap sa online directory kaya nagpunta na lang ako sa SM Aura. Magkatapat lang naman yang dalawang mall so chill.

Pagkagaling mo sa Embassy, lakad tayo ulit hanggang marating mo yung highway kung saan maraming dumadaan na sasakyan.


Lakad sa direction na 'to



Dire-diretso lang hanggang sa makita niyo intersection



Intersection!!!



Lakad tayo sa tamang sakayan



TAMANG SAKAYAN


Ako kasi nun, nagmamadali kaya ‘di na ako nag-antay ng jeep. Gutom na kasi ako nun, guys. Haha.

Pag papuntang SM Aura, P70.00 lang po ang taxi nyan, GUARANTEED. If magje-jeep ka, ibababa ka sa Market! Market! naman then tatawid ka sa SM Aura. Madali lang makita to kasi ang laki ng mall na yan. Yan yung weird na shape na building.


SM AURA. Kung naka-taxi kayo, dun kamo kayo sa Front Entrance. :)

Ang DHL po ay nasa B1, BASEMENT 1. Nasa lowest floor sya.:)

 

DHL Information

So, sa DHL, may fi-fill inan ulit kayong papel pero sobrang dali lang nun. Information ng papadalhan niyo which is ito:

 

Migration Section

Embassy of Sweden

140 Sukhumvit Road

Bangkok, Thailand

10110 (ITO PO YUNG ZIP CODE)

 

And syempre, info niyo and yung items na ipapadala niyo sa Bangkok. Isusulat niyo po yun isa-isa dun. Wala akong copy nung form kasi di ko na na-picturan. If confused kayo sa kung paano fill inan yung form, magtanong po tayo dun sa nagpa-process sa DHL. Iga-guide naman kayo nyan, mga mumsh.

Remember, passport na hubad! Yung form po need fill inan ng maayos.


IMPORTANT TIP: ‘WAG NA PO TAYONG MAG-AVAIL NUNG BEFORE NOON MASHI-SHIP OUT YUNG PARCEL NIYO. Parehas lang naman po na kinabukasan rin darating ang parcel niyo sa Bangkok (or Monday kung Friday kayo nagpadala). Makakatipid po kayo ng P400.00+. Make sure na ang babayaran niyo lang ay between P1,400-1,500.00. May savings din kung may SM Advantage card kayo. 😊


BACK TO MAIN PAGE (ALL STEPS) 

 

No comments:

Post a Comment