Saturday, November 6, 2021

[Au Pair in Sweden] STEP 1 PREPARING YOUR REQUIREMENTS FOR MV


STEP 1 PREPARING YOUR REQUIREMENTS FOR MV

Isa ako sa mga masuswerte dito na wala talagang inasikaso masyado bukod sa pag-scan ng matino ng Info Page ng passport ko. The rest, pag-apply ng insurance, paggawa ng contract, etc., hindi ko na-experience yan. Masyadong hands-on ang host family ko and ayaw talaga nila ng room for mistakes. So, sila na talaga nag-process.

 

1. PASSPORT INFO PAGE

Para sa passport mo, need na i-scan mo sya na kita lahat ng 4 sides nito. Ipa-press mo din ng maigi sa nagi-scan kasi dapat legible lahat ng info nun. Yun information page syempre ay kung saan nakalagay yung pangalan mo, picture, and expiry ng passport.




2. COMPREHENSIVE INSURANCE

Sa insurance, wala ako masyadong mai-share dito kasi unlike sa ibang au pairs, sila lahat nag-apply talaga. Ang masasabi ko lang, meron akong dalawang insurance, isang from Chapka at isang Fora. As per guideline ng Philippine Embassy ng Sweden, dapat merong ACCIDENT and HEALTH INSURANCE ang mga au pairs na pupunta sa Sweden na SAGOT NG HOST FAMILY. I would recommend na ‘wag kayo pumayag kapag sinabi sa inyo ng host niyo na hati kayo sa insurance kesyo ang mahal daw. Sila ang dapat sumagot nyan, ‘di kayo. Exploitation na kasi kapag naghati pa kayo gawa na policy talaga ng CFO na sila ang dapat magbayad ng insurance. Please, ‘wag po tayo pumayag na maabuso tayong mga au pair/aspirants. 😊

Be wise.

 

3. CONTRACT

May mga alam ako na may contract na one pager lang PERO, ang Philippine Embassy sa Sweden ay may guidelines para sa contract ng mga au pair. Ito rin kasi yung hinihingi ng CFO natin dito for exit seminar so mas maigi na i-model natin ‘to sa kung anong binigay ng embahada.

Sobrang grateful ko sa host family ko kasi lahat talaga inayos nila. Binigyan ko lang sila nung guide and sila na yung gumawa.

Ito yung Drive ng Philippine Embassy sa Sweden para sa consular page nila: PHL EMBASSY SWEDEN – CONSULAR SERVICES (click niyo lang, mga besh). Yung kailangan natin nasa no. 5, AU-PAIRGUIDELINES

Dito niyo rin makikita mga frennywap na LAHAT ng travel-related expenses niyo para makapunta ng Sweden ay sagot lahat ng Host Family dapat. HINDI KAYO DAPAT SINGILIN para dun. Gets? 😊


For sample contract, ito yung first page na ginawa ng host ko for me:







BACK TO MAIN PAGE (ALL STEPS) 

 

 

 

2 comments:

  1. I'm looking for a host family.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi there! You can check this blog that can give you an idea on how to look for a host family:

      https://welcometothethunderdomepeople.blogspot.com/2021/08/life-blog-journey-looking-for-your-host.html

      Delete