Thursday, November 25, 2021

[Au Pair in Sweden] Step 10 Part 1 CFO Registration

Step 10 Part 1 CFO Registration

Once ma-receive niyo na yung visa niyo, pwede na kayo mag-register sa CFO kahit wala pa yung contract ninyo. Pwede ‘to kasi di pa naman kailangan yung complete requirements ninyo na ipapasa mismo sa kanila para makapag-CFS ka.

 

Registration: 

Ano nga ba yung CFO? So si CFO ay ang “Commission on Filipinos Overseas”, yung agency na naghahandle ng mga lumalabas na Filipino sa bansa. So ang pagiging au pair ay under lang ng CFO, hindi ng OWWA kasi technically, ang pagiging au pair ay CULTURAL EXCHANGE LANG. 

💢💢So kapag nasa airport na tayo, hindi natin sasabihin na magwo-work tayo sa ibang bansa. Tayo ay aalis lang for cultural exchange or as an au pair. Kapag hinanapan tayo ng mga immigration officer ng OWWA papers natin, ‘di kamo tayo under nun, CFO docs lang kamo ang meron tayo. 💢💢

Ito yung official website ng CFO na ma-aacess niyo through this link: CFO Website 


Account Creation

Para maka-create ng account, iki-click niyo lang yung link na nandun sa website (kung dun kayo manggagaling) pero nandito na rin yung link: OF-CORS Registration Site

💢Makakagawa lang po tayo ng account from WEDNESDAYS and THURSDAYS lang po,7am to 5pm, wala na pong ibang araw. For account creation, dapat hawak-hawak mo na yung visa mo.💢


Click thy link


Filling in of Information

Make sure na i-double check niyo yung information once tapos na kayo mag-fill in.

Paki-screenshot rin once ma-accomplish para lang mai-safekeep niyo and maforward niyo if ever na sabihin sa inyo na may namali kayo ng spelling or numbers na nailagay

Mag-picture din kayo ng visa niyo ng maayos kasi ia-upload niyo yan sa alloted field dun.



Make sure to fill in data correctly





For Sweden, D-Visa po tayo





Wait for Email


So after mo mag-fill in, ire-redirect ka sa isang page telling you to check your email.

Doon sa email na yun mo makikita kung sino ang CFS officer mo na magche-check and verify ng documents mo.


Page after successful registration



Email na matatanggap mo na nakalagay yung requirements + yung CFS Officer mo.




No comments:

Post a Comment