Wednesday, November 10, 2021

[Au Pair in Sweden] Step 6 SWEDISH EMBASSY IN MANILA (GETTING THERE AND ACTUAL ID-CHECK)

 

STEP 6 SWEDISH EMBASSY IN MANILA (GETTING THERE AND ACTUAL ID-CHECK)

Sobrang bilis lang nito, guys. 5 minutes lang ‘to or less. Mas matagal pa yung biyahe ko and yung pag-antay ko sa IO dun sa Embassy.

Tatanungin lang name mo and birthdate (FOR CONFIRMATION), chi-check dala mong requirements, then tatatakan nila yung Passport INFO PAGE MO (2 copies). Then, dun ka na sa STEP 7 (pagmi-mail nung requirements mo sa Embassy sa Bangkok).

PERO SYEMPRE, importante na malaman mo kung paano magpunta sa Embassy ng Sweden sa BGC. So yung address ay ito:

11th Floor, DelRosarioLaw Centre, 21st Drive corner 20th Drive, Taguig 1630, Metro Manila / Landmark: Near the American cemetery

Kung taga-probinsya ka and ‘di ka pamilyar sa Manila, don’t worry, sobrang okay bumiyahe dito. Sabi ko nga sa nanay ko, kung marunong ka magbasa at magtanong, ‘di ka mawawala. Tsaka dito, basta matunton mo ang EDSA, tumingala ka lang, makikita mo yung MRT. Nagkalat din ang mga signs and directions para makapunta ka sa station ng train so nasa sayo na talaga yun kapag nawala ka pa dito. AND, of course, sabi nga ni Susan Roces, ‘WAG MAHIHIYANG MAGTANONG.

 


GUIDE PARA SA MGA NAGTITIPID/WALANG PANG-TAXI

(Guys, tipid tayo. Need ng pera papunta Sweden, remember. Kaya naman i-commute)


1. BOARD THE MRT LINE 3 TRAIN AND ALIGHT AT AYALA STATION

Guys, importante lang na makarating kayo sa EDSA and makita niyo yung MRT LINE 3. Ito yung tren na tumatakbo from Taft to North Avenue. Kung galing kayo sa Terminal ng mga buses sa Cubao, pa-SOUTH kayo mula sa ARANETA-CUBAO STATION tapos ang baba ay AYALA STATION. Kung galing naman kayong Pasay, pa-NORTH naman kayo. Sasakay kayo sa TAFT AVENUE Station MRT LINE 3 (guys, magtanong dun, please. May isa pa kasing train dun sa Pasay, yung LRT naman yun. WAG KAYO DUN SASAKAY)

 

2. AT AYALA STATION, LOOK FOR THE BUSES GOING TO BGC BESIDES

Pagbaba niyo ng train, sundan niyo yung mga tao na naglalakad papunta dun sa maraming mga stalls ng pagkain and tindahan. ‘WAG PAPASOK SA SM AYALA OR BABABA DUN SA HAGDANAN NA KATAPAT NUNG TICKET VENDING MACHINE KUNG SAAN KA LUMABAS. Doon po kayo sa other side kung nasaan ang mga bus papuntang BGC.

Photo nung isa nating friend na ginuide ko sa Manila; kung nasaan po ang arrow, dun tayo liliko

Sundan lang natin mga tao

Then baba po tayo dito para marating natin yung BGC Bus

Yan po yung makikita niyo pagbaba niyo sa hagdan


3. BGC BUS to FIRST DROP-OFF POINT

Ito pong bus na 'to ang sasakyan ninyo


Kahit taga-Manila ako, ‘di ko rin masyadong kabisado yung ruta ng mga bus sa BGC. Nagtanong lang din ako nun sa driver nung bus kung paano baa ko makakarating sa Swedish Embassy and sabi nung driver sa akin, “Ah, first drop off tapos maglakad ka”. DON’T WORRY, WALA NAMANG IBANG BABAAN DUN KASI NAKA-SET TALAGA ANG MGA BUS STOP. Basta sa First Drop-Off point po tayo bababa.

 Dito po kayo ibababa ng bus then lakad para marating niyo yung damuhan na field


4. WALK, WALK, WALK

Don’t worry, ‘di naman ganun kahaba. Wala pang 10 mins, pramis. Fresh ka pa rin pagdating sa embassy.

 

Lakad kayo, mga mumsh, sa pathway na 'to. Sundan niyo lang, di kayo maliligaw and legal maglakad dyan hehe

Ito yung other side niyan. Then lakad ulit kung saang direction papunta yung kuya na may dalang plastic hehe

Lakad-lakad lang mga mumsh, straight lang po

Pag nakita niyo na yung mga flags and Family Mart, ayan, malapit na kayo sa katotohanan. Yan ang building ng Embassy

5. DEL ROSARIO LAW CENTER then 11th FLOOR, SWEDISH EMBASSY

EEEY, narating mo na ang EMBASSY!!!!


So, pagpasok mo sa building, hihingin lang naman nila name  mo, ichi-check kung naka-schedule ka talaga sa araw na yun then ituturo ka nila dun sa elevator. 11th floor po tayo.

Magbasa po tayo. Makikita niyo kung anong pinto po yung Swedish Embassy sa 11th Floor. 😊 Dalawang pinto lang naman nakita ko dun and may guard po na naga-antay dun sa pinto.

Madali lang makita, pramis.


BACK TO MAIN PAGE (ALL STEPS) 


 

 

 

No comments:

Post a Comment