Tuesday, November 9, 2021

[Au Pair in Sweden] Step 5 PROCESSING YOUR D-VISA (2nd Step – ID CHECK AND APPEARANCE PREPARATION)

 

STEP 5 PROCESSING YOUR D-VISA (2nd Step – ID CHECK AND APPEARANCE PREPARATION)

Ngayon naman, for the ID Check or Appearance, magi-email ka sa embahada ng Sweden sa Pilipinas na nasa BGC. NO WALK INS, need mo sila i-email. Ito yung email address nila:

Ito rin yung sample body ng email para may guide na kayo: ambassaden.manila@gov.se

 

Good day!

I am writing to book an appointment to the Swedish Embassy in Manila for an ID Check.

Here are my information:

Name:

Dossier Number:

Migrationsverket Processing Officer:

Date of Granting:

 

May I know the if the Embassy has an available schedule on ________?

 

Regards,

Name

 

Tip ay magbigay na kayo ng schedule sa embassy kung kelan niyo gustong magpunta. Anong date kayo available, ganern. Sila na magbibigay ng oras kung may slot pa sila sa date na gusto niyo magpunta sa Embassy.

So, tulad nung sabi ko dun sa step 4, five items lang naman ang dapat dala-dala niyo during ID Check:

1. Original Passport (HUBAD, pakitanggal ang cover kung binilhan niyo ng cover)

2. Passport Info Page photox (prepare 2 copies)

3. D-Visa Application Form

4. Declaration Form

5. Passport Size Id picture with white background

 

For the D-VISA APPLICATION FORM, ito yung mga sure na ilalagay. PLEASE, pakibasa ng maigi and paki-follow na lang. Nandyan na po lahat.




Note: kung may work pa kayo while pino-process niyo 'to, ilagay niyo pa rin na wala kasi magre-resign naman kayo. Less complication, imo.

Number 15, info lang yan ng passport niyo. FILL INAN LANG PO YUNG MAY MGA DETAILS DITO. HINDI RIN PO IDIDIKIT ANG PICTURE DYAN.  DADALHIN NIYO LANG PO YUN.


23, dalawa po talaga i-ekisan kasi CULTURAL EXCHANGE po ang pagiging au pair and yung "OTHER" naman para mas specific (X po ang ginamit ko kasi yun yung standard ng form na 'to nung inopen ko sya to edit sa adobe reader. Though, hinand-written ko na lang para makapagsulat ako ng freely.)

24, info ni host mo. MAKE SURE NA IPA-CHECK MO SA KANILA KUNG TAMA SINULAT MO. Nakalagay rin sa mismong form kung ano ang hinihinging information re: host mo. So magbasa po ng maigi.

25, so description ng pagiging au pair. Pa-paraphrase na lang po and dapat ganyan yung sense nya.

26, ENTRY AND EXIT DATES na nakalagay sa application form niyo nung nag-apply kayo ng Work Permit

Place and Date, of course, Metro Manila (kasi BGC niyo yan ipapasa) and for the date, yung date nung appointment niyo sa embassy.

FILL INAN LANG PO YUNG MAY MGA DETAILS DITO.

For the DECLARATION FORM, Dossier Number po ilalagay dun sa Case number.





BACK TO MAIN PAGE (ALL STEPS) 


 

No comments:

Post a Comment