Step 8 APPROVED D-VISA AND GETTING IT PICKED UP FROM SWEDISH EMBASSY – BANGKOK
So, mabilis lang ‘to mapadala sa
Bangkok. 1-day lang, nandun na sya.
For the approval, mga sis, 2-3
days lang yan, approved na. Wala na naman kayong dapat i-worry kasi once na approved na ang Work Permit, sureballs na yan.
May mare-receive kayong email mula sa Swedish Embassy and follow niyo lang instructions. PLEASE, BASAHING MAIGI. NANDITO NA PO LAHAT.
PICKING UP YOUR PASSPORT
Afterwards, kailangan mo syang ipa-pick up sa
Embassy sa Bangkok. We would recommend DHL kasi sobrang bilis talaga. Wala pa kayong worry kasi sure na sure kayo na makakarating sa inyo ang parcels niyo. Sobrang reliable ng Deutsche Post (GERMANS!).
Tapos, once done with scheduling a pick up, magi-email ulit kayo sa Bangkok. Ito, bibigyan ko ulit kayo ng guide sa pagi-email:
Good day!
I am writing with regards to my passport Pick Up with the following information:
Name:
Passport Number:
Type of Application: D-Visa Application
I've already scheduled a pre-paid DHL Courier pick up. Attached are the following documents, in one PDF file, on this email:
1. Airway Bills (2 copies)
2. Receipt
The pickup schedule will be between (if nilagyan niyo ng time line, for example, from 11:00 to 4:00pm lang dapat pick up), (date).
Regards,
Name
Then i-attached niyo yung PDF na nakuha niyo nung nag-schedule kayo ng pick up.
Sesend niyo ulit yan sa email address nila: migration.bangkok@gov.se
BACK TO MAIN PAGE (ALL STEPS)
DHL Pickup Guidelines see below if you need step by step approach.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pero, ito, iga-guide ko pa rin
kayo kung paano magpapa-schedule ng pick up via DHL para wala na po maraming
tanong. FOLLOW NIYO LANG PO YUNG PICTURES and kung ano mga nakalagay dun.
Guaranteed na yun ang mga choices kasi nagawa ko na po ‘to. BASA-BASA LANG PO.
DHL: SCHEDULING A PICK UP
PLEASE, use a PC/Laptop. For phones,
medyo mahirap sya i-navigate.
1. Access this site: DHL BANGKOK
2. Follow the steps in the photos
below:
a. Click Schedule a Pick Up, nakabilog na pula
b. Yes, create Label. Pwede rin namang "NO", depende sa inyo.
Kasi ilalagay mo lang naman dun ay "Passport" so pwede na kahit NO.
c. Guys, alam niyo na yung ilalagay dito. Yung "FROM" address ng Swedish Embassy sa Bangkok. Nasa email naman yan ng Embassy and yan din yung pinadalhan niyo ng passport niyo before. Yung sa "TO" yung address niyo sa Pilipinas.
TIP: Dun sa "TO", yung sa "COMPANY" since dapat hindi blangko yan, UULITIN NIYO LANG PO ILAGAY NAME NIYO DYAN.
Once done, click "next" para mapunta kayo sa sunod na page.
d. SHIPMENT DETAILS: Documents po ang pipiliin natin and autoselect naman sa Passport.
Make sure na sundin lang po yung mga nakalagay dito. NO OTHER ANSWERS na naman po. Ito lang talaga.
e. Choose "STANDARD FLYER".
Pwede naman na yung card lang piliin mo pero parehas lang naman kasi. Chill pa yung passport mo sa pouch ng Standard Flyer so might as well.
Kapag nakita niyo 'to, make sure to "check" this. DAPAT PROTECTED AND INSURED ang shipment natin lalo kung important documents. Pero nasa sa inyo yan. Kayo pa rin naman magde-decide sa shipment ninyo.
TAPOS, papi-piliin na kayo ng date ng pick up.
So may dalawa ulit kayong options, yung 12:00pm ship out or End of day.
Kahit ano po piliin niyo dito, depende sa budget ninyo. :)
Matatanggap niyo pa rin naman.
Once okay na po yung date na napili niyo, sure na sure na kayo, ito na makikita ninyo. CHOOSE FRONT DOOR PICK UP, syempre.
f. PAYMENT METHODSo, isa lang naman option dito, pay via "CREDIT CARD" lang naman.
Pero don't you worry, pwede yung Debit Card so kahit wala kang CC, makakapagbayad ka pa rin. Make sure lang na yung debit card niyo ay pwede sa online payment. May mga atm cards kasi like BPI na naka-block yung ganitong functions. (if you need help with the card, feel free to contact me)
Tapos, makikita ninyo na kung magkano yung babayaran ninyo para mapadala sa address ninyo.
Usually, nasa around 2k po 'to pabalik ng Pinas.
Then, ii-enter niyo na yung details ng card niyo then all done! <3
Syempre, di ko na mapapakita sa inyo yung screen na yun kasi mababawasan yung laman ng card ko.
g. Saving your WAYBILL and RECEIPT
Very important po. Yan ang ipapadala niyo sa Embassy sa Bangkok.
Click niyo lang yung "Print Selected Documents" (yung nakabilog dito; make sure na naka-check parehas yung Label and Receipt, danke) then kapag nasa Print window na kayo, SAVE AS PDF po ang piliin, wag i-print as hard copies.
Ito po yung "PRINT WINDOW" na sinasabi ko. Make sure na "SAVE AS PDF" po, wag i-print.
Yung PDF na sinave niyo, yun ang ipapadala niyo sa Bangkok.