Saturday, December 11, 2021

[Au Pair in Sweden] Step 10 Part 3 CFO Seminar

Step 10 Part 3 CFO Seminar

So far, I consider waiting for my CFS schedule to be the most stressful process in my whole au pair journey. Mas malala pa ang uncertainty na makakuha agad ng schedule lalo every Monday lang sila nagpapa-seminar.

The seminar itself last for three (3) hours, from 1pm to 4pm. May mga verifier/handler na magbibigay sayo agad ng link once confirmed na na kasama ka sa seminar pero meron naman na katulad nung handler ko, 12:30pm na nagpadala ng link, on the same day, nagpadala ng link. Pinakaba ka pa talaga.

Link for the seminar itself sent via email


NOTE: Bawal i-share ang link ng seminar. They will confirm dun sa mismong seminar kung kasama ka sa list of attendees so don’t try your luck.


Anyway, standard lang naman yung seminar. Discussion lang naman ng risk ng pagiging au pair. Lahat naman tayo ay aware sa exploitation na pwedeng kaharapin ng mga au pairs and isa yun sa mga diniscuss. Ni-reiterate din dun yung mga process and yung rights natin as an au pair (AT PAR, EQUAL), kung ano dapat ang sagot ng host on your au pair journey at kung ano yung mga included sa contract niyo.

Most importantly, ano nga ba yung mga need niyong dalhin once ready na kayo sa flight niyo. Ito ay madi-discuss sa susunod na post, sa part 4.

May mga screenshots sa dulo ng post na 'to ng mga diniscuss sa seminar. For now, i-discuss muna natin kung paano natin makukuha yung CFO Certificate natin.


HOW TO GET YOUR CFO STICKER/CERT

Prior to the pandemic, ang binibigay talaga after the CFS is a sticker pero for now, bibigyan lang tayo ng e-cert na ipi-print mo then ipre-present sa immigration officer during your flight. Yung delivery kasi nung mismong certificate ay aabutin daw between 1-2 months, which is weird kasi bayad yung hard copy nun pero ang tagal bago ma-receive.


Here are the steps in getting your CFO e-Certificate

1. Email your handler

Once done ka na sa seminar, you have to email your verifier/handler that you are done with the seminar.


Bida-bida lang ako kaya may screenshot. :)

Take note, during the seminar, chini-check rin ng mga tao dun kung nakikinig ka ba talaga and/or nakapatay ang camera mo the whole time. May confirmed case po tayo na pinaulit ang seminar kasi dapat talaga na makinig ka dito.


2. You will receive an email from CFO containing a link to your OF-CORS Profile



So magi-email sa inyo ng link si CFO mismo (either yung IO nila or as in yung CFO email address) once na-confirm na and/or verify na ni handler niyo yung attendance niyo during the seminar. You have to open the link and fill in the necessary information there.

Unfortunately, I couldn't share mine because everything is personal info eh. :) I think by this time aware na kayo paano mag-fill in nun. :)


3. Payment and Delivery Information

Once okay na yung form ninyo, ire-redirect naman kayo kung paano babayaran and kung paano yung detailed instructions sa pag-send ng proof of payment sa CFO + handler ninyo.

Easiest way to pay it is via GCash. So yung akin, umabot ng P490.00.

💢TIP: PARA MABAWASAN KAHIT PAPAANO YUNG PAYMENT FOR YOUR CFS CERT, wag kayong magbayad mismo gamit yung platform nila. Punta kayo sa GCash, Pay Biller then choose CFO. Mawawala yung service fee na sinisingil pa nila kapag yung mismong site nila ang ginamit ninyo. Make sure lang to take note of your reference number kasi yun ang need ni GCash. :)💢


Below you will see the detailed instructions as per CFO.



4. Email handler and ofcors.payment@cfo.gov.ph to get your certificate

Once tapos na kayong magbayad, you have to email both of your handler and the email address na nakalagay sa Step by Step procedure ni CFO. Include proof of payment because they need this to verify your payment.

May ibibigay din sila na EXACT SUBJECT dun sa email ni CFO sayo, including your reference number and your full name, and yun ang gagamitin mo to email OFCORS.



5. Wait for your Certificate

Once na ma-confirm na na successful ang payment mo, they will send you your e-cert na. This can be within the day or the following day depende sa oras kung kelan ka nagbayad.





 
Snippets from the Seminar

Obviously, I don't own any of these photos. These are captured from the seminar as everyone's guide.

CFO Photos:

What is an Au Pair?



Things to note for your safety




Please keep this in mind!






Wednesday, December 8, 2021

[Au Pair in Sweden] Step 10 Part 2 CFO Requirements Submission

Step 10 Part 2 CFO Requirements Submission

Once complete niyo na yung mga requirements na hinihingi, yung mga nandito sa list, it’s time to email na your CFO Officer/handler/verifier:

  • Passport; (info page, same nung pinasa mo sa MV nun)
  • Visa (au pair visa page on passport);
  • Contract with all attachments in one PDF file with attestation/authentication;
  • Photo of Au Pair with on-hand Contract (wala sa original na list PERO required na mag-submit kayo. Dapat kita yung full face niyo and yung harap ng contract na may nakalagay na “ACKNOWLEDGEMENT/ATTESTATION”)
  • Adequate travel and health insurance to cover rebooking and accommodation expenses, if stranded overseas and locally (same dun sa pinasa sa MV);
  • Seven cultural activities drafted by the au pair and the host families;
  • Execution of a Declaration acknowledging the risks involved amid the threat and uncertainties brought about by COVID19 in travelling by the au pairs, host family and the agency (c/o Bureau of Immigration) LINK FOR FILE, CLICK HERE

Guide Email



💓💪 Note: Try niyo pa rin magpasa even without yung on-hand na contract selfie. Meron kasi nakakalusot minsan. Worth trying din naman if nagmamadali talaga kayo. Wala, ganun talaga.


After sending your email, wait for the confirmation of your schedule ng seminar. Currently, every Monday lang ‘to so talagang i-make sure niyo na i-email niyo ng i-email niyo yung verifier niyo para makakuha kayo ng schedule agad. Kasi kapag hindi, next week kayo ng next week nyan.


Minsan may mga hihingin pa na additional information pero minsan wala din. 

Maganda if mabilis ang verifier niyo mag-reply. Pero kung hindi, need niyo talaga kulitin just to make sure na makakuha kayo ng sched. Every Monday na lang talaga kasi ang seminar.


 BACK TO MAIN PAGE (ALL STEPS) 



Thursday, November 25, 2021

[Au Pair in Sweden] Step 10 Part 1 CFO Registration

Step 10 Part 1 CFO Registration

Once ma-receive niyo na yung visa niyo, pwede na kayo mag-register sa CFO kahit wala pa yung contract ninyo. Pwede ‘to kasi di pa naman kailangan yung complete requirements ninyo na ipapasa mismo sa kanila para makapag-CFS ka.

 

Registration: 

Ano nga ba yung CFO? So si CFO ay ang “Commission on Filipinos Overseas”, yung agency na naghahandle ng mga lumalabas na Filipino sa bansa. So ang pagiging au pair ay under lang ng CFO, hindi ng OWWA kasi technically, ang pagiging au pair ay CULTURAL EXCHANGE LANG. 

💢💢So kapag nasa airport na tayo, hindi natin sasabihin na magwo-work tayo sa ibang bansa. Tayo ay aalis lang for cultural exchange or as an au pair. Kapag hinanapan tayo ng mga immigration officer ng OWWA papers natin, ‘di kamo tayo under nun, CFO docs lang kamo ang meron tayo. 💢💢

Ito yung official website ng CFO na ma-aacess niyo through this link: CFO Website 


Account Creation

Para maka-create ng account, iki-click niyo lang yung link na nandun sa website (kung dun kayo manggagaling) pero nandito na rin yung link: OF-CORS Registration Site

💢Makakagawa lang po tayo ng account from WEDNESDAYS and THURSDAYS lang po,7am to 5pm, wala na pong ibang araw. For account creation, dapat hawak-hawak mo na yung visa mo.💢


Click thy link


Filling in of Information

Make sure na i-double check niyo yung information once tapos na kayo mag-fill in.

Paki-screenshot rin once ma-accomplish para lang mai-safekeep niyo and maforward niyo if ever na sabihin sa inyo na may namali kayo ng spelling or numbers na nailagay

Mag-picture din kayo ng visa niyo ng maayos kasi ia-upload niyo yan sa alloted field dun.



Make sure to fill in data correctly





For Sweden, D-Visa po tayo





Wait for Email


So after mo mag-fill in, ire-redirect ka sa isang page telling you to check your email.

Doon sa email na yun mo makikita kung sino ang CFS officer mo na magche-check and verify ng documents mo.


Page after successful registration



Email na matatanggap mo na nakalagay yung requirements + yung CFS Officer mo.




Thursday, November 18, 2021

[Au Pair in Sweden] STEP 9 – WAITING GAME AND AU PAIR CONTRACT AUTHENTICATION

STEP 9 – WAITING GAME AND AU PAIR CONTRACT AUTHENTICATION

With regards sa pagbalik ng visa from Bangkok, you don’t have to worry. Usually, 2-3 days lang, approved na yan and ready to be shipped back sa atin dito sa Pinas.

Pag natanggap na ni Bangkok yung DHL Waybill niyo and receipt via email along with your schedule of pickup, mag-aantay na lang kayo ng 2-5 days bago niyo mahawakan yan.

So, ang sunod na step ay yung CONTRACT AUTHENTICATION or pagpapa-RED RIBBON na tinatawag. Same lang po yang processes na yan, magkakaiba lang ng tawag (and itsura ng document).

Ano nga ba ang tamang timeline para magpa-contract authentication? Although sure na sure naman daw sa Sweden (at least for Pinoys), may chance pa rin na ma-deny ka. Kaya ang recommended na pagpapa-authenticate ng contract ay AFTER APPROVAL OF YOUR VISA.

 

REQUIREMENTS FOR ATTESTATION OF SWEDISH AU PAIR CONTRACTS

You can directly access the complete guidelines via this LINK

Si HOST po ang maglalakad nito, okay? Ito yung need nilang i-prepare sa baba. Maigi rin na i-send niyo mismo yung link ng Drive ng Philippine Embassy in Sweden: https://drive.google.com/file/d/1rLozVPU-NyvHhEDH-kT44vkSA8Wne8fj/view

 

Step 1. Send advance copies of requirements via email to phinsweden@gmail.com for evaluation

*(tell host to include their phone number on the email)*

 Requirements:

1. Original contract (IN ENGLISH)

  • with provision na sagot nila ang pamasahe mo pa-Sweden and dapat HINDI nila pabayaran sayo yun
  • detailed task descriptions, ulitin po natin, DETAILED description ng light housework ninyo and childcare tasks
  • repatriation clause (sila ang magsho-shoulder ng cost if na-injured ka, nagkasakit and na-deds)

2. Two (2) photocopies of Passport’s Information Sheet (yung may picture and name niyo) ng:

  • au pair
  • host mom
  • host dad

Step 2. Approval of documents submitted by the Philippine Embassy in Sweden


Step 3. Payment of Fees (SEK 275)


Step 4. Interview


Step 5. Sending of Original Documents to the Embassy of the Philippines in Stockholm


Address:

Embassy of the Philippines in Stockholm

Grenstigen 2A

181 31 Lidingo

Stockholm, Sweden

 

  • If by post (SELF-ADDRESSED, SELF-STAMPED ENVELOPE FROM POSTNORD) – medyo matagal makukuha ni host yung authenticated contract niyo, 1 week siguro
  • If EXPEDITED, SAME DAY PROCESSING (pero dapat mapunta dun si host), may bayad na SEK 110

 

Once matanggap na ni host yung authenticated contract ninyo, need nya ipadala yan sa inyo.

May dalawa kayong options:

1. PostNord – 20 days (Manila) or more (other Provinces)

2. DHL – best kung nagmamadali yet pricey of course.

 

Na kay host na ninyo yan.

 

After niyo matanggap ang authenticated contract niyo, dun na kayo sa LAST STEP. 😊



BACK TO MAIN PAGE (ALL STEPS) 

Friday, November 12, 2021

[Au Pair in Sweden] Step 8 APPROVED D-VISA AND GETTING IT PICKED UP FROM SWEDISH EMBASSY – BANGKOK

Step 8 APPROVED D-VISA AND GETTING IT PICKED UP FROM SWEDISH EMBASSY – BANGKOK

So, mabilis lang ‘to mapadala sa Bangkok. 1-day lang, nandun na sya.

For the approval, mga sis, 2-3 days lang yan, approved na. Wala na naman kayong dapat i-worry kasi once na approved na ang Work Permit, sureballs na yan.

May mare-receive kayong email mula sa Swedish Embassy and follow niyo lang instructions. PLEASE, BASAHING MAIGI. NANDITO NA PO LAHAT.


PICKING UP YOUR PASSPORT

Afterwards, kailangan mo syang ipa-pick up sa Embassy sa Bangkok. We would recommend DHL kasi sobrang bilis talaga. Wala pa kayong worry kasi sure na sure kayo na makakarating sa inyo ang parcels niyo. Sobrang reliable ng Deutsche Post (GERMANS!). 

Tapos, once done with scheduling a pick up, magi-email ulit kayo sa Bangkok. Ito, bibigyan ko ulit kayo ng guide sa pagi-email:

Good day!

I am writing with regards to my passport Pick Up with the following information:

Name: 
Passport Number: 
Type of Application: D-Visa Application

I've already scheduled a pre-paid DHL Courier pick up. Attached are the following documents, in one PDF file, on this email:
1. Airway Bills (2 copies)
2. Receipt 

The pickup schedule will be between (if nilagyan niyo ng time line, for example, from 11:00 to 4:00pm lang dapat pick up), (date).

Regards,
Name

Then i-attached niyo yung PDF na nakuha niyo nung nag-schedule kayo ng pick up.


Sesend niyo ulit yan sa email address nila: migration.bangkok@gov.se


BACK TO MAIN PAGE (ALL STEPS) 

DHL Pickup Guidelines see below if you need step by step approach.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pero, ito, iga-guide ko pa rin kayo kung paano magpapa-schedule ng pick up via DHL para wala na po maraming tanong. FOLLOW NIYO LANG PO YUNG PICTURES and kung ano mga nakalagay dun. Guaranteed na yun ang mga choices kasi nagawa ko na po ‘to. BASA-BASA LANG PO.

 

DHL: SCHEDULING A PICK UP

PLEASE, use a PC/Laptop. For phones, medyo mahirap sya i-navigate.

1. Access this site: DHL BANGKOK

2. Follow the steps in the photos below:


a. Click Schedule a Pick Up, nakabilog na pula







b. Yes, create Label. Pwede rin namang "NO", depende sa inyo.
Kasi ilalagay mo lang naman dun ay "Passport" so pwede na kahit NO.






c. Guys, alam niyo na yung ilalagay dito. Yung "FROM" address ng Swedish Embassy sa Bangkok. Nasa email naman yan ng Embassy and yan din yung pinadalhan niyo ng passport niyo before. Yung sa "TO" yung address niyo sa Pilipinas. 

TIP: Dun sa "TO", yung sa "COMPANY" since dapat hindi blangko yan, UULITIN NIYO LANG PO ILAGAY NAME NIYO DYAN

Once done, click "next" para mapunta kayo sa sunod na page.






d. SHIPMENT DETAILS: Documents po ang pipiliin natin and autoselect naman sa Passport. 
Make sure na sundin lang po yung mga nakalagay dito. NO OTHER ANSWERS na naman po. Ito lang talaga.




e. Choose "STANDARD FLYER".

 Pwede naman na yung card lang piliin mo pero parehas lang naman kasi. Chill pa yung passport mo sa pouch ng Standard Flyer so might as well.

Kapag nakita niyo 'to, make sure to "check" this. DAPAT PROTECTED AND INSURED ang shipment natin lalo kung important documents. Pero nasa sa inyo yan. Kayo pa rin naman magde-decide sa shipment ninyo.





TAPOS, papi-piliin na kayo ng date ng pick up.
So may dalawa ulit kayong options, yung 12:00pm ship out or End of day.

Kahit ano po piliin niyo dito, depende sa budget ninyo. :)
Matatanggap niyo pa rin naman.


Once okay na po yung date na napili niyo, sure na sure na kayo, ito na makikita ninyo. CHOOSE FRONT DOOR PICK UP, syempre.









f. PAYMENT METHOD
So, isa lang naman option dito, pay via "CREDIT CARD" lang naman.
Pero don't you worry, pwede yung Debit Card so kahit wala kang CC, makakapagbayad ka pa rin. Make sure lang na yung debit card niyo ay pwede sa online payment. May mga atm cards kasi like BPI na naka-block yung ganitong functions. (if you need help with the card, feel free to contact me)






Tapos, makikita ninyo na kung magkano yung babayaran ninyo para mapadala sa address ninyo.
Usually, nasa around 2k po 'to pabalik ng Pinas.






Then, ii-enter niyo na yung details ng card niyo then all done! <3
Syempre, di ko na mapapakita sa inyo yung screen na yun kasi mababawasan yung laman ng card ko.






g. Saving your WAYBILL and RECEIPT
Very important po. Yan ang ipapadala niyo sa Embassy sa Bangkok.
Click niyo lang yung "Print Selected Documents" (yung nakabilog dito; make sure na naka-check parehas yung Label and Receipt, danke) then kapag nasa Print window na kayo, SAVE AS PDF po ang piliin, wag i-print as hard copies.





Ito po yung "PRINT WINDOW" na sinasabi ko. Make sure na "SAVE AS PDF" po, wag i-print.
Yung PDF na sinave niyo, yun ang ipapadala niyo sa Bangkok.



Thursday, November 11, 2021

[Au Pair in Sweden] Step 7 SENDING OFF YOUR VISA TO THE SWEDISH EMBASSY IN BANGKOK

 

STEP 7 SENDING OFF YOUR VISA TO THE SWEDISH EMBASSY IN BANGKOK

After mo magpa-ID Check, ayun, papadala mo na sya sa DHL. Sabi nung instruction na napasa sa akin, meron daw sa Market! Market! Pero di ko sya mahanap sa online directory kaya nagpunta na lang ako sa SM Aura. Magkatapat lang naman yang dalawang mall so chill.

Pagkagaling mo sa Embassy, lakad tayo ulit hanggang marating mo yung highway kung saan maraming dumadaan na sasakyan.


Lakad sa direction na 'to



Dire-diretso lang hanggang sa makita niyo intersection



Intersection!!!



Lakad tayo sa tamang sakayan



TAMANG SAKAYAN


Ako kasi nun, nagmamadali kaya ‘di na ako nag-antay ng jeep. Gutom na kasi ako nun, guys. Haha.

Pag papuntang SM Aura, P70.00 lang po ang taxi nyan, GUARANTEED. If magje-jeep ka, ibababa ka sa Market! Market! naman then tatawid ka sa SM Aura. Madali lang makita to kasi ang laki ng mall na yan. Yan yung weird na shape na building.


SM AURA. Kung naka-taxi kayo, dun kamo kayo sa Front Entrance. :)

Ang DHL po ay nasa B1, BASEMENT 1. Nasa lowest floor sya.:)

 

DHL Information

So, sa DHL, may fi-fill inan ulit kayong papel pero sobrang dali lang nun. Information ng papadalhan niyo which is ito:

 

Migration Section

Embassy of Sweden

140 Sukhumvit Road

Bangkok, Thailand

10110 (ITO PO YUNG ZIP CODE)

 

And syempre, info niyo and yung items na ipapadala niyo sa Bangkok. Isusulat niyo po yun isa-isa dun. Wala akong copy nung form kasi di ko na na-picturan. If confused kayo sa kung paano fill inan yung form, magtanong po tayo dun sa nagpa-process sa DHL. Iga-guide naman kayo nyan, mga mumsh.

Remember, passport na hubad! Yung form po need fill inan ng maayos.


IMPORTANT TIP: ‘WAG NA PO TAYONG MAG-AVAIL NUNG BEFORE NOON MASHI-SHIP OUT YUNG PARCEL NIYO. Parehas lang naman po na kinabukasan rin darating ang parcel niyo sa Bangkok (or Monday kung Friday kayo nagpadala). Makakatipid po kayo ng P400.00+. Make sure na ang babayaran niyo lang ay between P1,400-1,500.00. May savings din kung may SM Advantage card kayo. 😊


BACK TO MAIN PAGE (ALL STEPS) 

 

Wednesday, November 10, 2021

[Au Pair in Sweden] Step 6 SWEDISH EMBASSY IN MANILA (GETTING THERE AND ACTUAL ID-CHECK)

 

STEP 6 SWEDISH EMBASSY IN MANILA (GETTING THERE AND ACTUAL ID-CHECK)

Sobrang bilis lang nito, guys. 5 minutes lang ‘to or less. Mas matagal pa yung biyahe ko and yung pag-antay ko sa IO dun sa Embassy.

Tatanungin lang name mo and birthdate (FOR CONFIRMATION), chi-check dala mong requirements, then tatatakan nila yung Passport INFO PAGE MO (2 copies). Then, dun ka na sa STEP 7 (pagmi-mail nung requirements mo sa Embassy sa Bangkok).

PERO SYEMPRE, importante na malaman mo kung paano magpunta sa Embassy ng Sweden sa BGC. So yung address ay ito:

11th Floor, DelRosarioLaw Centre, 21st Drive corner 20th Drive, Taguig 1630, Metro Manila / Landmark: Near the American cemetery

Kung taga-probinsya ka and ‘di ka pamilyar sa Manila, don’t worry, sobrang okay bumiyahe dito. Sabi ko nga sa nanay ko, kung marunong ka magbasa at magtanong, ‘di ka mawawala. Tsaka dito, basta matunton mo ang EDSA, tumingala ka lang, makikita mo yung MRT. Nagkalat din ang mga signs and directions para makapunta ka sa station ng train so nasa sayo na talaga yun kapag nawala ka pa dito. AND, of course, sabi nga ni Susan Roces, ‘WAG MAHIHIYANG MAGTANONG.

 


GUIDE PARA SA MGA NAGTITIPID/WALANG PANG-TAXI

(Guys, tipid tayo. Need ng pera papunta Sweden, remember. Kaya naman i-commute)


1. BOARD THE MRT LINE 3 TRAIN AND ALIGHT AT AYALA STATION

Guys, importante lang na makarating kayo sa EDSA and makita niyo yung MRT LINE 3. Ito yung tren na tumatakbo from Taft to North Avenue. Kung galing kayo sa Terminal ng mga buses sa Cubao, pa-SOUTH kayo mula sa ARANETA-CUBAO STATION tapos ang baba ay AYALA STATION. Kung galing naman kayong Pasay, pa-NORTH naman kayo. Sasakay kayo sa TAFT AVENUE Station MRT LINE 3 (guys, magtanong dun, please. May isa pa kasing train dun sa Pasay, yung LRT naman yun. WAG KAYO DUN SASAKAY)

 

2. AT AYALA STATION, LOOK FOR THE BUSES GOING TO BGC BESIDES

Pagbaba niyo ng train, sundan niyo yung mga tao na naglalakad papunta dun sa maraming mga stalls ng pagkain and tindahan. ‘WAG PAPASOK SA SM AYALA OR BABABA DUN SA HAGDANAN NA KATAPAT NUNG TICKET VENDING MACHINE KUNG SAAN KA LUMABAS. Doon po kayo sa other side kung nasaan ang mga bus papuntang BGC.

Photo nung isa nating friend na ginuide ko sa Manila; kung nasaan po ang arrow, dun tayo liliko

Sundan lang natin mga tao

Then baba po tayo dito para marating natin yung BGC Bus

Yan po yung makikita niyo pagbaba niyo sa hagdan


3. BGC BUS to FIRST DROP-OFF POINT

Ito pong bus na 'to ang sasakyan ninyo


Kahit taga-Manila ako, ‘di ko rin masyadong kabisado yung ruta ng mga bus sa BGC. Nagtanong lang din ako nun sa driver nung bus kung paano baa ko makakarating sa Swedish Embassy and sabi nung driver sa akin, “Ah, first drop off tapos maglakad ka”. DON’T WORRY, WALA NAMANG IBANG BABAAN DUN KASI NAKA-SET TALAGA ANG MGA BUS STOP. Basta sa First Drop-Off point po tayo bababa.

 Dito po kayo ibababa ng bus then lakad para marating niyo yung damuhan na field


4. WALK, WALK, WALK

Don’t worry, ‘di naman ganun kahaba. Wala pang 10 mins, pramis. Fresh ka pa rin pagdating sa embassy.

 

Lakad kayo, mga mumsh, sa pathway na 'to. Sundan niyo lang, di kayo maliligaw and legal maglakad dyan hehe

Ito yung other side niyan. Then lakad ulit kung saang direction papunta yung kuya na may dalang plastic hehe

Lakad-lakad lang mga mumsh, straight lang po

Pag nakita niyo na yung mga flags and Family Mart, ayan, malapit na kayo sa katotohanan. Yan ang building ng Embassy

5. DEL ROSARIO LAW CENTER then 11th FLOOR, SWEDISH EMBASSY

EEEY, narating mo na ang EMBASSY!!!!


So, pagpasok mo sa building, hihingin lang naman nila name  mo, ichi-check kung naka-schedule ka talaga sa araw na yun then ituturo ka nila dun sa elevator. 11th floor po tayo.

Magbasa po tayo. Makikita niyo kung anong pinto po yung Swedish Embassy sa 11th Floor. 😊 Dalawang pinto lang naman nakita ko dun and may guard po na naga-antay dun sa pinto.

Madali lang makita, pramis.


BACK TO MAIN PAGE (ALL STEPS)