Step 10 Part 3 CFO Seminar
So
far, I consider waiting for my CFS schedule to be the most stressful process in
my whole au pair journey. Mas malala pa ang uncertainty na makakuha agad ng
schedule lalo every Monday lang sila nagpapa-seminar.
The
seminar itself last for three (3) hours, from 1pm to 4pm. May mga verifier/handler
na magbibigay sayo agad ng link once confirmed na na kasama ka sa seminar pero
meron naman na katulad nung handler ko, 12:30pm na nagpadala ng link, on the same day, nagpadala
ng link. Pinakaba ka pa talaga.
NOTE:
Bawal i-share ang link ng seminar. They will confirm dun sa mismong seminar
kung kasama ka sa list of attendees so don’t try your luck.
Anyway,
standard lang naman yung seminar. Discussion lang naman ng risk ng pagiging au
pair. Lahat naman tayo ay aware sa exploitation na pwedeng kaharapin ng mga au
pairs and isa yun sa mga diniscuss. Ni-reiterate din dun yung mga process and
yung rights natin as an au pair (AT PAR, EQUAL), kung ano dapat ang sagot ng
host on your au pair journey at kung ano yung mga included sa contract niyo.
Most importantly, ano nga ba yung mga need niyong dalhin once ready na kayo sa flight niyo. Ito ay madi-discuss sa susunod na post, sa part 4.
May mga screenshots sa dulo ng post na 'to ng mga diniscuss sa seminar. For now, i-discuss muna natin kung paano natin makukuha yung CFO Certificate natin.
HOW TO GET YOUR CFO STICKER/CERT
Once done ka na sa seminar, you have to email your verifier/handler that you are done with the seminar.
Bida-bida lang ako kaya may screenshot. :)
Take note, during the seminar, chini-check rin ng mga tao dun kung nakikinig ka ba talaga and/or nakapatay ang camera mo the whole time. May confirmed case po tayo na pinaulit ang seminar kasi dapat talaga na makinig ka dito.
2. You will receive an email from CFO containing a link to your OF-CORS Profile
So magi-email sa inyo ng link si CFO mismo (either yung IO nila or as in yung CFO email address) once na-confirm na and/or verify na ni handler niyo yung attendance niyo during the seminar. You have to open the link and fill in the necessary information there.
Unfortunately, I couldn't share mine because everything is personal info eh. :) I think by this time aware na kayo paano mag-fill in nun. :)
3. Payment and Delivery Information
Once okay na yung form ninyo, ire-redirect naman kayo kung paano babayaran and kung paano yung detailed instructions sa pag-send ng proof of payment sa CFO + handler ninyo.
Easiest way to pay it is via GCash. So yung akin, umabot ng P490.00.
💢TIP: PARA MABAWASAN KAHIT PAPAANO YUNG PAYMENT FOR YOUR CFS CERT, wag kayong magbayad mismo gamit yung platform nila. Punta kayo sa GCash, Pay Biller then choose CFO. Mawawala yung service fee na sinisingil pa nila kapag yung mismong site nila ang ginamit ninyo. Make sure lang to take note of your reference number kasi yun ang need ni GCash. :)💢
Below you will see the detailed instructions as per CFO.
Once tapos na kayong magbayad, you have to email both of your handler and the email address na nakalagay sa Step by Step procedure ni CFO. Include proof of payment because they need this to verify your payment.
May ibibigay din sila na EXACT SUBJECT dun sa email ni CFO sayo, including your reference number and your full name, and yun ang gagamitin mo to email OFCORS.
No comments:
Post a Comment