It's so weird for me when I receive emails asking for studying tips. Nakakatawa kasi, di ba? Sa top notcher na kayo magtanong, lol. But I guess, kung may maitutulong din naman ako, why not?
I decided to write some parts of this in Filipino. Para naman 'di ako ma-pressure sa letseng grammar. Anyway...
I've asked colleagues kung sino na ba yung bagong members of the board (PRC website not loading earlier for me). It turns out, sila Dr. Billedo pa rin and Dr. Austria (Sir Pena, you're missed! 😔😔). Knowing this, may maiaambag naman siguro ako regarding my experience last 2017.
1. Be familiar with the members of the board.
Nung una, hesitant din ako umattend sa pa-event ni UP kung saan ipapakilala nila yung gumawa ng exams. Hindi ko gusto yung mga ganung events, daming tao pero kasi lahat sinasabi na may mapupulot ka dun and pwede magtanong sa kanila.
Knowing their backgrounds, most likely, ii-incorporate nila yung mga yun sa exams. Nandun pa nun si Sir Pena so gigil talaga kami sa GOP nung Day 1. Ewan ko kung may ibi-break akong oath about sharing dun sa tidbits nung exam last 2017 pero yung mga tanungan nun re: GOP ganito:
* si X formation ay part ng Zamboanga-Misamis Occidental na may age na early to middle Miocene. Anong formation yung counterpart nya when it comes to age sa Marinduque Islands?
Legit, napa-WTF ako nung nabasa ko yun. Haha. Moving on.
2. Give yourself enough time to study.
Ito yung biggest ragret ko nung bago at pagkatapos kong mag-board. Pagkatapos pa lang ata ng graduation nung iba ng March-April, nag-aaral na sila. Ito yung wise move siguro or depende sa retention capacity and capability mo. Ako, Octoberian ako, wala talaga akong excuse kung bakit di ako nakapag-aral ng maayos kasi the following year na ako nag-take.
Ganito yung study plan ko:
August - 2nd week of October - 1 hr a day of reading
3rd -4th week of October - 8 hours a day
Kung gusto niyo talaga na lahat nabasa niyo, start early. Basic pero most of us are procrastinators.
3. Read the Geology BibleS
Kung aattend kayo ng CWM review, maririnig-rinig niyo mula sa kawalan yung pagbasa ng Earth Mat. Hindi ko masabi na recommended ni CWM kasi di ako sure kung nabanggit ba nila 'to pero lagi kong naririnig to nun.
Wala naman problema si Earth Mat. Yung writing style nga lang nya sobrang serious. At least nung tina-try ko kunwari na basahin yung Structural Geology ni Fossen, napapatawa nya pa ako ng slight. 'Di mo mai-experience yung ganun sa Earth Mat.
Binasa ko pa rin sya though AFTER basahin si Essentials. Big mistake. Parehas lang laman nila. Mas eloquently put lang talaga si Earth Mat tsaka di ko masyadong na-enjoy. Damang-dama ko yung bigat ng mundo nung binasaba ko yun. Nahihiya akong tawaging dumb-down version si Essentials pero baka sya yung Geology for Dummies.
So yung dalawa for Day 1 and of course, GOP. Hindi ka geologist ng Pilipinas kung di mo knows by heart and soul yung GOP. Char.
Sa totoo lang, 'di ko maalala sinong author nung Rocks and Minerals na libro na meron ako pero yun yung ubos lagi sa National Bookstore nun dati. Parang Amazing Race nun nung naghahanap ng libro na yun. Tinatamad akong halungkatin sa gamit ko pero parang yung Scholastic version yun. I-post ko na lang ulit kapag naglinis ako pero yun na yung pinaka-basic tapos may picture pa.
When it comes to Mineralogy, hands down and itataya ko pangalan ko, enough na si Introduction to Mineralogy ni Nesse. 'Pag natapos mo 'tong libro na 'to, mataas ang chance na makaka-survive ka sa Day 2. Sobrang thankful ko na ito yung napili kong tapusin.
Tip: If you can memorize chemical formulas, you should. May mga tanong dati na ganito: Sa Chlorite group, anong mineral ang may Zinc? Shookt ako, teh.
Day 2: Introduction to Mineralogy by William Nesse and Rocks and Minerals Guidebook.
Aside from the mentioned books here, for day 3, get crazy! Wala akong mare-recommend kasi sobrang random talaga. Better prep din for some metallurgy. May mga lumabas nun sa amin.
Kapag may naisip pa ako, dagdagan ko.
hi po pwede mag ask. Ano po yung expertise ni sir Billedo?
ReplyDeleteNakalimutan ko na. I think either Structural Geology ata yun o Geophysics. Too be sure, attend ka nung Meet the Boards kung meron pa sa UP.
DeleteAny tips po sa second day, about rock ID po?
ReplyDeleteVisit MGB Central. Sometimes galing dun yung sample na ipapa-ID sa inyo.
DeletePwede po ba makahingi po ng pdf copy ng introduction of mineralogy by nesse? Maraming salamat po, wala po kc akong nakita na downloadable.
ReplyDeleteHi! Unfortunately, hindi PDF gamit ko nun.
DeleteWe went to UP before and photocopied the whole book. I think, you'll still able to do that now kung bukas na ang campus.
Hi miss, may PDY po ako ng Introduction to Mineralogy ni Nesse. pwede ko po ma email sayo :))
Deletei mean PDF
Deletephotocopied din po nandito sakin bale 116 pages lang po :)
DeleteHi, sure. Kindly email me here sa alessandropantaleon@gmail.com so we can share the PDF file dito sa blog. Thanks
DeleteMaylalabas din po ba ng Introduction of Optical Mineralogy by William Nesse?
ReplyDeleteNung time namin, parang wala. Pero basahin mo din yung mga basic para may idea ka.
DeleteHello miss Yin, ask ko lang po meron po akong Introduction To Mineralogy same authos William Nesse oxford 2000 pero magka iba yung cover sa binigay na link nyo po. Same lang po ba yun sa book na sabi nyo po?
ReplyDeleteOkay lang yan as long as Intro to Mineralogy talaga sya ni Nesse. Nagbabago naman kasi talaga ang cover. :)
Delete